 |
|
Wednesday, September 06, 2006
"Ang mga pasa at bukol na ito ay ebidensya ng kanyang marubdob na pag-ibig. Kapag hinid nya na ako sinasaktan, ibig sabihin hinidi na niya ako mahal. At yun ang aking ikamamatay"
- Nova Villa, Super Inday and the Golden Bibe
11:59pm ko ginagawa ang entry na ito. Nandito pa rin ako sa office. Inaantok na ako. Uwi na ako maya-maya. Hindi na ako makapag-type.


Posted at 12:58 am by winklenyork
Permalink
Friday, September 01, 2006
Pressure!
Tomorrow na ang pinakahihintay na ng aking mga anak at ng kanilang mga magulang na family fun day. career kung career, mula sa bilang ng pupunta mula sa section ko (kami ang pinakamarami - imagine 36 students ko, 109 lahat ang pupunta, san ka naman nun?), costume namin, lootbags, at ang presentation. sana ok naman. sana manalo kami. sana maging proud naman ang parents ng mga anak ko sa kanilang section at sa kanilang adviser.
Bop Bop ni Arianna ang aming sasayawin. hehehe. Bop It ang alam nila pero Bop Bop pala ang title. Dapat Average Joe kaso nga lang sinayaw na nila nung prep yun eh. Gusto ko rin sana yung I Like It, infairness puro pinasikat ng Starstruck.
About my licensure exam pala, it was really hard. infairness mukhang mahihirapan akong pumasa. sana naman kahit papaano pumasa para ok naman ako, huh? Unang exam, General Education siguro dahil sa sobrang aga at sobrang daming items, nakatulog ako. Natapos ko naman pero nagmamadali na kasi time pressured. Pangalawang exam, professional education, kumusta naman? Pati pala ang manghula ng sagot mahirap pa rin. I hope pumasa ako sa exam na yun. Yung pangatlo yung specialization, mukhang medyo madali, ako nga yung kauna unahang natapos. Kapag sinuma mo ang tatlong kalagayan ko sa exam, ndi ko alam kung ano ang sagot. Sana talaga pumasa kasi parang hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa mga umaasa at naniniwalang papasa ako.
October 14-16 baka magpunta kami ng Puerto Galera nila Bert, Borge and friends. hehehe...

Posted at 10:40 pm by winklenyork
Permalink
Tuesday, August 22, 2006
would you love someone who completes you?
or a person who loves you completely?
"You Are The One" Opens august 30 in theatres near you.
Yan ang unang text message na natanggap ko ngayong araw na ito. at simula noon 6 na beses ko na itong natanggap mula sa iba't ibang tao. Grabe ano ba ang meron? Eh ang corny naman. Anyway mega promotion ata. Pero infairness gusto ko siyang panoorin kahit halatang halata ang wig ni Toni Gonzaga.
I'm in our computer lab right now, just checking my mails and a certain forum. It was really a day for me. I woke up at aroung 5:15am and then went to work at 6:00am for our flag ceremony. I missed my kids. It's been a long weekend. I already finished computing my grades for my subject, I will still need to do the grades for Homeroom, Relegion and PE. And I still have 2 pending lesson plans and a monthly exam. waaahh. And all of these are needed to be finished by thurs since i'll be on leave by friday to review for my board exam on sunday. Goodluck talaga.
Anyway, it's time to go again. I'll see you guys in a while. I need to go to my other work na. C yah!
Posted at 05:48 pm by winklenyork
Permalink
kubrador and my super ex-gf
it was a short long weekend. i can't believe that it's already Tuesday tomorrow and we have work again. Actually I know that tomorrow will be workday that's why I spent my day doing fruitful things that I can't do during workdays - go to the mall and watch a movie.
I watched Kubrador starring Gina Pareņo and directed by Jeffrey Jeturian. It's an artsy-fartsy film that brought honor to our country by bagging the jury prize and best film award and also best actress award for Pareņo in an intenational film festival in Russia. It's a very good movie, an art film yes but definitely a film that you should watch. I was suprised that even though it was its 5th day there are still alot of people who watched it.
I also watched My Super Ex-GF hahaha very funny. ang danda danda danda ni Uma Thurman. Soooper. Very funny, yun lang. ndi juicy , funny lang. hehehe.
Susunod na gusto kong panoorin Devil Wears Prada. Idol ko si Meryll Streep.
Sa Sunday na ang board exams ko. Wish me luck. sobrang pressure ito.
Tulog na ako. Nite.
Posted at 12:38 am by winklenyork
Permalink
Monday, August 21, 2006
Nais ko lang ipabasa ulit ang dati kong entry.
napakaliit ng mundo. daming bagay na nangyayari ng sabay-sabay. ndi mo alam kung nangyari na ba ito sa ibang tao. wala ka rin namang pakialam sapagkat bagama't napakaliit ng mundo, napakabilis ng oras. kahit nasa kanto lamang ang nasabing pangyayari, maaaring kukulangin ka sa oras upang puntahan pa ito at maki-usisa.
napakaliit ng mundo. lahat ng bagay ndi mo inaasahang mararanasan mo pala. maliit nga ito, pero napakasukal...napakarahas. wala man lamang babala kung gaano karahas ang iyong susuunging bagay. kung gaano kaliit ng mundo, ganun naman kalaki ang pagpipilian ng pagkakataon na ibibigay sayo. para akong pinageeksperimentuhan. unti-unting hinihiwa ang bawat laman sabay turok ng isang karayom na may kulay sa dulo. masusing pinagmamasdan kung paano ba ito gumagana, paano gumagalaw, paano naging ganito, paano naging ganoon.
napakaliit ng mundo. nagiging masikip na para sa ating dalawa. kinakailangan nang mawala ang isa sa atin...BANG! para sa akin ang bang na yun wag kang mag-alala. ndi ko kakayanin kapag ikaw ang tinamaan. lalamunin ako ng aking konsensya. at mas masakit yun kaysa barilin ka.
napakaliit ng mundo. lahat ng bagay maaaring mangyari. ngunit ndi dapat lahat serysohin. dapat hangga't maaari ndi sineseryoso ang ibang bagay. hangga't kakayanin. sabi nga nila tawanan na lamang ang ating problema. sana makangiti ako. ndi ko kaya ang humagikhik o humalakhak.
napakaliit ng mundo. napakasukal. napakarahas. napakabilis ng paglipas ng panahon. darating ang araw maghahanap na lang ako ng iba. ibang mundong tatanggap sa akin. at yung ndi ako iiwan....

Posted at 02:50 am by winklenyork
Permalink
at dahil long weekend at wala akong magawa ngayon kaya muli kong binuhay ang aking blog na matagal na matagal ko nang inabandona.
kumusta naman ako? ok lang naman. mahirap na ok. hindi maexplain ang kasalukuyang estado sa aspeto ng:
* pag-ibig
* trabaho
* negosyo
* pera
* pamilya
* pagkatao
PAG-IBIG - naging malaking pagsubok para sa akin ang harapin ang salitang ito. Matapos ang aking ika-22 kaarawan noong nakaraang buwan, parang naisip ko, bakit sila? bakit ako? ano ba ang meron sa kanila? ano ba ang m
eron sa akin? Dumating ang mga pagkakataong ginulo nito ang aking schedule, ang aking pag-iisip at sa huli, bigo man siya at bigo man ako, mayroon naman akong natutunan, ewan ko sa kanya ndi ko naman alam kung ano iniisip niya.
TRABAHO - masyado akong naging swerte sa career siguro kaya pagdating sa lovelife wala. Masaya ako sa piling ng aking mga anak - 16 na boys at 20 girls. Sa mga hindi nakakaalam, grade 1 teacher ako sa ST. Paul Makati at part time recruitment associate sa isang call center sa Ortigas.
NEGOSYO - wala akong negosyo
PERA - pero marami akong pera. hahaha joke lang.
PAMILYA - masaya ang aking pamilya base sa aking nakikita.
PAGKATAO - oo meron ako nito. Ito ang bahaging hindi ko maipaliwanag, ewan ko ba.

wala na akong ibang masabi. hay.
Posted at 01:52 am by winklenyork
Permalink
Sunday, October 09, 2005
hehehe napapagod ako ngayon super. ewan ko kung bakit. pero definitely dahil sa trabaho. grabe mukhang may written warning na ako sa isa kong work, ndi na naman ako pumasok kanina. ang dami ko ng unplanned leaves.
kahapon galing akong field trip with 1st yr and 2nd yr students from st paul makati. ayun. nagpunta kami barasoain, divine mercy (wat do u expect? catholic school e) at 8 waves. ayun nakakapagod.
ito nahanap ko sa photobucket ko habang nagbubura ng pics. natouch ako sa sinabi ni rc sa blog niya e.

hehehehe eclipses sa debut ni keka

wala lang. sana batiin na natin mga kamag-anak natin.

barasoain church, sa 10 pesos ko lang dati nakikita...
Posted at 01:57 pm by winklenyork
Permalink
Wednesday, September 28, 2005
wala lang nakakapagod ang araw na ito, marami pa akong dapat gawin sa st paul (periodical exams at lesson plans) pero masaya ang araw na ito. sa wakas ramdam ko na ang aking pagpasok sa world out there. hehehe sa career world.
ang daming bloopers talaga ngayong araw. kanina sa college graduation namin, dumating kami ni peter ng 1030, 10am nakalagay sa sked. so pa-late kuno ng 30 min. aba, 930 pala nagstart so grand entrance na nga, late pa ng isang oras. pero ok naman. pagkatapos ng rites, may kainan, literal na eat and run kami kasi dinala namin yung "facked lants" at umakyat ng opis at dun sinimulang lantakana ng fish fillet at rice.
baccalaureate mass ang sumunod na ka-flopan. kasi 7 kaming undergrad na gagrad mula sa college namin, oo college at ndi course kasi ako lang ang mag-isa mula sa course ko. (oo ang dami namin noh?) tapos syempre awardee kasi ako, most outstanding student teacher so ang nangyari ay ganito- yung tatlo sa limang may award (kasama ako run) ay wala, so dalawa lang kami, nung tinawag na kami upang ibigay ang medal, aba ang tagal kong naglalakad sa gitna nung chapel lahat ng tao nakatingin, syempre tungo ako. wala lang nakakakaba pala yun.
tapos nung class pictorial, ayun tatlo lang kami.
tapos nung practice na hay naku basta napagdiskitahan kami ni edwin santiago. basta ayun tinatamad na ako. ito na lang pics.

wala lang
Posted at 10:08 pm by winklenyork
Permalink
Saturday, September 10, 2005
"don't you know that i want to be more than just your friend
holding hands is fine but i got better things on my mind..."
- say you love me by patti austin
hindi para sa akin yang kanya na yan pero para sa kaibigan kong si jewel, suzu, goodluck ha!
masaya ang aking linggo. busy kung busy ang chika pero nag-eenjoy talaga. kahit apat na oras lamang ang aking tulog araw-araw dahil sa dalawa kong trabaho eh okie lang naman talaga.
grabe ang mga estudyante ko! ang kukulit as in. bawat klase may makulit talaga. black sheep ika nga. pero diba ang sheep cute kaya ayun tunay nga namang ang cuuute nilang lahat! araw-araw may dramahan, may iyakan... "teacher si ano sinagi yung colors ko...teacher inaaway niya ako...teacher tinulak ako..." hahaha... parati ko ngang sinasabi na ang iyakan tuwing hapon at gabi lang sa tv...
ang sweet din nila. totoo nga yung sinasabi nung mga co-faculty ko kasi super sweet nila. ang dami dami daming pagkain ang binibigay sa akin. sabi nung iba favorite daw ako ngayon sa elem department kasi dalawa lang kaming lalaking faculty, eh ako pa yung bata kaya ayun ang mga bata puro "hi teacher winkle!!!! hello teacher winkle!!! teacher winkle!!!" para akong superstar. sa classroom, sa canteen, sa grounds, sa labas ng skul pati sa mall!
kaya ndi ko iniinda ang pagod kahit 9 sections ang hawa ko araw araw. yah. tapos may pasok pa ako sa ICT kaya ayun tagtag talaga ang katawan pero kaya naman.
nga pala... student ko rin anak ni raymond bagatsing, kamukhang kamukha niya at yung si myron (yung bata sa commercialila jennylyn at mark herras yung star choconut yung "ate mo?!?!) ayun.
last monday nga pala, nagdinner kami ng ICT ofcmates ko. although ndi lahat nakapunta kahit wala kaming pasok (dahil labor day sa states) ay ok lang naman. atleast masaya kami.
nagkita-kita rin pala kami ng educ blockmates ko. masaya kahit ndi kumpleto, ganun naman parati eh. go L86 hehehe.

my class

makukulit na mga bata

pinakamakulit sa lahat gusto solo pic with teacher

team janice sa gerry's

team janice sa office

Block L86
Ps. (pahabol sulat)
nung isang araw pala nagpunta kami ni suzu sa world trade center para sa bookfair. wala lang. dalawang books lang nabili ko. ang saya kasi yung paborito kong B1 gang, nandun yung author at syempre bumili me at nagpa autograph. sabi ko yun ang binabasa ko nung HS tinanong niya kung sang HS sabi ko Masci. dun din pala siya grad! hahaha small world.
Posted at 03:36 pm by winklenyork
Permalink
Saturday, September 03, 2005
"when it rains, it pours ika nga!"
-- lotlot de leon sa Feng Shui (sinabi nia ito kay kris bago sila pumasok sa mga kwarto na puro taong nauto na sumali sa networking ek ek)
sa wakas confirmed na na makakagraduate na ako sa college. at ito ay gaganapin sa oct 1 sa PICC. ang saya-saya. yung mahigit isang dekada ko sa academic life (elem to college) ay sa wakas tutuldukan na rin. pero ndi pa rin naman ganun tutuldukan sapagkat ako naman ang susunod sa yapak ng mga taong nagbigay sa akin ng karunungan -- magiging guro na ako. well, iyon naman talaga ang aking kurso eh at yun naman talaga ang aking nais kaya masaya ako para sa aking sarili.
sa darating na sept 5 (lunes) ay guro na ako sa st. paul makati. sibika at kultura ang aking ituturo sa mga grade 1 chikitings samantalang english naman sa grade 5. ang saya. sana. although major ko is history and economics, ok na rin yung mga ituturo kong subject. pero ndi ko pa rin bibitawan yung part time ko. ok kasi eh, dali work, laki sweldo. so papalipat na lang ako ng shift.
kahapon, kakagaling lang namin sa midyear teambuilding seminar sa sta cruz laguna. sa monreal resort. masaya. maganda. kaya lang bitin. sana sa susunod makasama pa kami. pahinga galore kami ni rc... hehehe mga senyor! senyor citizens! hahahaha. pics galore muna. pero wala nung midyear wala kaming camera ni rc eh.

teacher winkle

mga estudyante ni sir winkle

si teacher epal
Posted at 01:59 pm by winklenyork
Permalink
|
|
|
 |
|
 |