Image hosted by Photobucket.com


Monday, August 21, 2006
napakaliit ng mundo

Nais ko lang ipabasa ulit ang dati kong entry.

napakaliit ng mundo. daming bagay na nangyayari ng sabay-sabay. ndi mo alam kung nangyari na ba ito sa ibang tao. wala ka rin namang pakialam sapagkat bagama't napakaliit ng mundo, napakabilis ng oras. kahit nasa kanto lamang ang nasabing pangyayari, maaaring kukulangin ka sa oras upang puntahan pa ito at maki-usisa.

napakaliit ng mundo. lahat ng bagay ndi mo inaasahang mararanasan mo pala. maliit nga ito, pero napakasukal...napakarahas. wala man lamang babala kung gaano karahas ang iyong susuunging bagay. kung gaano kaliit ng mundo, ganun naman kalaki ang pagpipilian ng pagkakataon na ibibigay sayo. para akong pinageeksperimentuhan. unti-unting hinihiwa ang bawat laman sabay turok ng isang karayom na may kulay sa dulo. masusing pinagmamasdan kung paano ba ito gumagana, paano gumagalaw, paano naging ganito, paano naging ganoon.

napakaliit ng mundo. nagiging masikip na para sa ating dalawa. kinakailangan nang mawala ang isa sa atin...BANG! para sa akin ang bang na yun wag kang mag-alala. ndi ko kakayanin kapag ikaw ang tinamaan. lalamunin ako ng aking konsensya. at mas masakit yun kaysa barilin ka.

napakaliit ng mundo. lahat ng bagay maaaring mangyari. ngunit ndi dapat lahat serysohin. dapat hangga't maaari ndi sineseryoso ang ibang bagay. hangga't kakayanin. sabi nga nila tawanan na lamang ang ating problema. sana makangiti ako. ndi ko kaya ang humagikhik o humalakhak.

napakaliit ng mundo. napakasukal. napakarahas. napakabilis ng paglipas ng panahon. darating ang araw maghahanap na lang ako ng iba. ibang mundong tatanggap sa akin. at yung ndi ako iiwan....


Posted at 02:50 am by winklenyork

Racquel
June 22, 2009   09:40 PM PDT
 
?
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry

PAKWAN



-- masarap kainin lalo na kapag mainit ang panahon. puno ng sustansya, mula prutas hanggang buto.







name : winkle
school : de la salle university
about me: ako'y isang masayahing tao. naniniwala ako na dapat lahat ay pantay-pantay at higit sa lahat, naniniwalang hindi ako perpektong tao ngunit ako ang karapat-dapat!.


pop ko to

winkle and mel sa beach


EK tym!


ngiting banyaga


wazzup! wazzup!


laiya

winkle and rc, taray!


jewel castro

rule of thirds daw!

father and moi!

yes it's kitchie!

'kada pics

beerhouse peeps.

EB PEEPS!

my pokemon creature

the eclipses

   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed