Image hosted by Photobucket.com


Friday, August 05, 2005
dahil kasalukuyan akong hyper dahil sa extra joss..

yaaak.. kadiri ang lasa ng extra joss. lalo na kapag ndi gaanong malamig ang binigay sayo ni boss (boss! tubig!) kasi nga naman manghihingi ka na lang, magrereklamo ka pa!

eniwey ni-try ko lang naman kasing uminom nun kasi antok na antok ako e kailangang kong pumasok sa work ng 5am (yup may work na ako, part time lang, 5am to 9am everyday). ayun so bumili ako sa 7-11 ng extra joss tapos nilagay ko sa isang boteng absolute mineral water (yuck promote!) tapos ni-try ko na siyang lagukin. amputah, ang lasa parang ampakla na maasim tapos walang after taste. weird talaga. pero kailangang ubusin. effective naman.

kinailangan ko kasing uminom kasi halos 27 hours akong walang tulog kasi last tuesday ay pumasok ako ng work ng 8pm to 12am. tapos nagpalipat ako ng sked kasi wala akong kakilala run so napunta ako sa 5-9 the next day, ewan ko ba bakit ndi me na nakatulog. after ng work, derecho ojt hanggang 4pm. tapos after nun pumunta ng glorietta para sa isang dinner with ate ryann and plaridel friends dahil nga si ate ryann ay aalis na sa sat papuntang Qatar dahil natanggap siyang flight attendant sa Qatar Airlines. ayun. 11pm na natapos.

pero ok lang naman me.

2 weeks na lang at matatapos na ang OJT ko. mamimiss ko ang mga bata. haha mga bata talaga. lalo na yung mga 1st year kasi ang sweet nila. yun nga lang mwala ako ng 5 days nun dahil sa training ay super namiss na raw nila ako hehehe. ndi ko alam kung sumisipsip lang sila pero ndi naman nila kailangan kasi malakas sila sa akin. ndi ko pa nga sinasabi na malapit na akong umalis, bibiglain ko na lang sila hahaha.

eniwey, masaya ako ang im very very proud to say na sa darating na oct 1 ay papasok na ako sa picc na nakasuot ng toga upang magmartsa, dahil sa wakas ay magtatapos na rin ako! pumasa na rin ako sa wakas ng micro na compre salamat salamat!

ayun masaya ako super. nawawala na ang epekto ng extra joss at tinatawag na ako ng kama ko.

bye!

Posted at 12:11 am by winklenyork
Make a comment  




Monday, July 25, 2005
isang taong idinagdag sa buhay kong walang kasing ganda!

"ang buhay nga naman, parang araw, matapos ang matinding pagsikat, lulubog din."

- POKWANG

nitong mga nakaraang araw, naging busy ako sa iba't ibang bagay. kahit nga ang aking kaarawan ay hindi ko nabigyan ng pansin. actually para lang siyang isang normal na araw. yun nga lang, kumain lang kami sa labas ni special someone. hahaha. kasalukuyan pa akong nag-OJT nun sa st. paul tapos siyempre bday eh di nakapula ako. nagkataon naman nakapula rin yung critique teacher ko (na inaasar sa akin ng mga student ko!) ayun eh di nagtatanong naman sila. wala lang. btw, wala palang nakakaalam sa st. paul na bday ko! hehehe. basta tahimik na lang ako. ayun para lang siya talagang isang normal na araw. nagtataka lang mga estudyante ko kasi ang daming bonus ang aking ipinamigay. hahaha. tapos nagpunta ako ng greenbelt at nagsimba kami at kumain. umuwi. nang ipinikit ko na ang aking mga mata, hudyat na iyon ng pagtatapos ng selebrasyon at pag-confirm na nadagdagan na naman ng isang taon ang aking makulay na buhay.

sumunod nun, hindi ko inaasahang tumawag sa akin ang isang kumpanyang matagal ko ng pinag-apply-an. although marami na akong mga napuntahang kumpanya. ito lang kasi ang kayang mag-accomodate  sa aking very busy na sked. so ayun. thursday employed na ako! yehey!

pero nung morning pala ng thursday eh nagdemo muna ako sa st paul. maraming salamat sa aking klase - ang I- St. Aloysius dahil hindi nio ako binigo. kahit hindi scripted ang gnawa natin hindi tulad ng iba hehehe, nakakakuha pa rin ako ng pinakamataas na grade - 98! hahaha. im really proud.

so ayun, ndi na ako masyadong nakakapag internet. ganun pala yun. pero nakakagamit pa rin naman ako siguro mga thrice a week. so update ko na lang kayo.

para sa isang taong napaka-ispesyal para sa akin:
"sabay tayong maglakad sa buwan upang hanapin ang tunay na butas na katatagpuan natin ng tunay na hiwaga."

Posted at 12:28 am by winklenyork
Make a comment  




Monday, July 18, 2005
dahil ako'y gumagawa ng lesson plan...

masaya ako kahapon. basta. super. hehehe. saka na lang kwento. pero may bago akong tshrt ng lasalle, at may koneksyon dun. hahaha.

nanood ako ng the buzz, la lang, naiyak ako run sa harapan ni cristynelly at aubrey. infairness. tapos ang tapang ni kris aquino. ano ba comment nio jan sa sec gonzales na yan? parang masyado siyang sumisipsip kay GMA na annoying na. ndi katulad ni mike defensor, kahit halatang halata ang paghigop kay GMA, atleast may breeding pa rin siya, wala lang.
 
tapos nanood din ako ng ASAP kanina, yung sa rosebowl stadium sa california. infairness, parang mas maganda pa yung treatment kay jasmine trias kaysa kay nora aunor (na kumanta na naman ng walang kamatayan niyang "people") ayun, halata bang walang maichika? hehehe. may problema lang sila sa sound system nila nung una.
 
bumalik na pala sa ABS-CBN si cheche lazaro. may show sila ni tony velasquez (bakit siya? ang sarap ahitin nung bigote nun!) eniwey, ang ganda ng teaser hehehe. pero wala pang title. so saan na napunta ang kontrobersyal? ibabalik ba siya sa sabado? walang kwenta ang showbiz stripped, although maganda topic, trying hard si melanie marquez magpatawa samantalang walang kabuhay-buhay si ricky lo.
 
yun lang muna. magiging madalang na naman ang aking pag email pasukan na naman. nagkataon lang na gumagawa ako now ng lesson plan eheheh

Posted at 12:59 am by winklenyork
Make a comment  




Monday, June 27, 2005
buhay pa ako...

"bakit kaya minsan kapag dumarating ang problema, sabay-sabay?"
"dahil aalm ni Lord na kaya mo!"

- Masikip sa dibdib

grabe mabilis lang ito (dahil mas magaling ang mas mabilis diba nanay Caridad?) kagabi, actually, kaninang umaga na ako natulog kasi nanood ako ng GMA anniv special at FAMAS. infairness maganda yung anniv special ng GMA, type ko yung kay donya buding at tessie tomas na act, pati yung kay michael v. maganda rin ang FAMAS pero halatang yung production ay biased talaga sa channel 2 (kapamilya awards, mga nagpeperform although nakita ko si jolens) at ndi ko labis matanggal sa isip ko ang pagkapanalo nina Clau at PJ bilanh best actress at best actor. la lang.

at ang lahat ng ito'y pinapanood ko habang ako'y gumagawa ng aking lesson plan at visual aids. translation ang topic, ito na yung isa sa ginawa ko.

IMPOSIBLENG DRIM

Idrim and imposibleng drim
Ifayt and di magaping fow
Iber and di-maber na sorow
Magran sa di mabreyv na breyv

(hay ang sakit man sa aking kalooban na ituro yan pero isa yang salik dun although trinanslate rin sia sa katutubong Filipino, DI MAATIM NA MITHI, ang title)

ayun lang muna, nagprint lang ako ng aking lesson plan. bye muna.

Posted at 10:15 am by winklenyork
Comments (3)  




Monday, June 20, 2005
uminog din ang mundo ko

ang buhay ay punung-puno ng kulay. masaya. malungkot. nakakagulat. nakakainis. pero lahat ng kulay may ibig sabihin, may ibig ipahiwatig, may aral na gustong ituro.

marami akong natutunan sa mga kulay na dumating sa aking buhay. halos nagamit ko na ang lahat ng kulay sa aking kahon, kaunti na lamang ang natitira, nawa'y magamit ko na sana ito sa maganda, produktibo at matapat na paraan.

Unang bugso sa makabagong ako

sa ngayon masaya ako, lumayo man ang pag-ibig at tipong hindi na ako binalikan, masaya pa rin ang buhay. nakakangiti na ako, nakakakain na, at higit sa lahat umusad na ang aking buhay.

masaya ang unang araw sa aking practicum sa st. paul makati. hahawakan ko ang ilang mag-aaral sa una at ikatlong taon sa high school. filipino ang aking ituturo. bagamat maliit lamang ang kanilang paaralan, makikita mo na masaya ang mga tao. halos lahat ng mga batang nakikita ko ay mababait (pwera na lang dun sa parang autistic na studyante ko). masasaya ang faculty. bata pa ang aking critique teacher. excited na ako.

kaninang 3pm, matapos ang aking practicum, dumeretso agad ako sa ortigas para sa isang final interview sa ICT (call center siya). ang tagal ng aming pag-uusaup, mga isang oras. matapos noon, ipinahayag nung aking kausap na considered hired na ako yun nga lang wala pa silang opening sa part time na job kaya hahanapan pa niya ako ng account na pwede sa sked ko. masaya na rin ako kahit papaano. sana tawagan na nila ako ASAP. para may magawa na akong maganda sa buhay ko.

sa miyerkules magsisimula na ako bilang student assistant ni mr. ernesto carandang, isang propesor mula sa Filipino at Literature dept ng DLSU. hopefully maging fruitful naman ang stay ko run bilang SA. ang dami kong ginagawa no? wala lang. dis past few days kasi wala na akong ibang ginawa kundi ang manood ng dvd, meteor garden, sex and the city at kung anu ano pang gawain ng mga tamad. ngayon iba na. kailangan nang kumilos.

kailangan ko ng harapin ang bawat umaga ng aking walang kapantay na saya at ngiti. ika nga nila, "smile and be discovered..."


Posted at 10:16 pm by winklenyork
Make a comment  




Wednesday, June 08, 2005
I LOVE KRIS AQUINO!!!!

im sad right now. i dunno why. i really dunno. maybe because im really tired or maybe because i miss some people... haaay...

*commercial gap*

ayun kahapon i am with bert and giselle sa ortigas. i really can't imagine na nakayanan kong mag-stay sa loob ng isang building ng 12 oras! totoo! from 9am to 9pm. nde naman solid pero matagal, kasi lalabas kami para kumain at samahang magyosi ang aking mga kasama.

kasi ganito yun, last monday, nagbabasa ako ng job market. naghahanap ng part time job. tapos biglang nakita ko na may job fair sa megatrade hall sa megamall. nagtext ako ng mga tao na alam kong kasalukuyang naghahanap ng trabaho. ayun tapos nagmeet kami nina bert at giselle sa mega. nauna silang nakarating so naghanap na sila. nainterview na sila sa ICT group ng dumating ako. pero nagpasa rin me ng form. at sabi tatawagan na raw ako para masked ng interview kasi puno na yung para sa call simulation nila, kasi sila bert mag call simulation na sila the next day. so ayun. kumain kami sa teriyaki boy (sa wakas nakakain na rin me run) at nanood kami ng shutter. shux nakakatakot talaga na super nakatakip ang mata ko at super yapos sa braso ni bert hahaha sumakit nga ata ang braso niya hehehe churi...

ayun tapos kinabukasan, napag-isipan kong sumabay sa kanila at magbakasakaling makapag-apply bilang walk-in applicant. pero grabe ang haba ng pila. sa ortigas nga pala siya, sa tapat ng metrowalk. grabe, ayun nagkita kami ni bert ng 9am sa mcdo tapos nagpunta na run. 930 sked nila pero 1030 na sila nakapag call simulation. tapos ako naman nag-aantay for intial interview. tapos after nun tinawag na kami, grabe group interview siya. kakakaba. ayun. sabi nung nag interview introduce urself in about 3-4 minutes. ang tagal. eh ako yung huling tinanong wala na akong maisip sabhin.

"hello, my name is wilfredo esguerra, i call myself winkle but you can also call me by that name. im a terminal student of de la salle university taking up history and economics. im currently enrolled in my practicum term but upto now i still don't know where am i going to do my ojt. im sociable, very friendly, actually i have already 500 friends in my friendster account and 92 testimonials (ayun nagstart na silang tumawa). i enjoy blogging and blog-hopping. i love to read, write. i love to cook and i am hungry right now. (tawa na naman) i'm into koreanovelas and other asian flicks especially memories of bali and meteor garden. i love to play badminton. I LOVE KRIS AQUINO. (ayun na nawala na ako sa sarili ko. nagtawanan na sila ng malakas. ewan ko ba bakit ko nasabi yun. pero totoo naman). Im happy right now. (sabay singit nung nag iinterview, y?!?) sabi ko na lang, maybe because ... im...im in love? (yun na!)

actuallt natuwa sa akin yung nag iinterview na nagshare din siya ng love life niya. ayun. nagpa tounge twister pa siya at in the end nag-eliminate sya ng mga pwedeng sumali. grabe kinakabahan ako. ayun in the end, dalawa lang kaming natira at pinapabalik kami sa monday, june 15.

kasalukuyan namang kakatapos lang ng skills exam nung dalawa. after nun final interview na ng 4pm. nak ng teteng eh 1230 pa lang nun. so we deicded we should eat muna. kumain kami sa mangan sa rob galleia. nagshare kami ni bert sa sisig at ginisang baguio beans. tsalap. after nun, hanap ng dress for giselle but napagod din kami e 2 pa lang nun, so we decided na matulog na lang muna sa sasakyan ni bert. sa kanyang Innova... hahaha. ayun natulog kami. bumalik kami ng 4pm dun pero unfortunately, 6pm na sila natawag. at that time mga 730 na natapos sila bert at giselle. pareho naman silang natanggap. swerte nila. at pinag-uumpisa na sila ngayon. swerte talaga.

kumain kami sa mcdo ng 830. 9pm tapos na (o diba ang bilis ko kumain?) hinatid namin si giselle sa galle tapos ako ibninaba sa shang. ayun tapos. whew!

*commercial gap*

ayun natapos din. ang labo ko noh? ang sad ko tapos ang dami kong nasulat. hay...

Posted at 02:05 pm by winklenyork
Comments (2)  




Monday, May 30, 2005
maswerteng numero!

G-46! BINGOOOO!!!!!!!



ang winning bingo card!

hahaha nakakatuwa nanalo ako ng consolation prize sa bingo kanina sa rob. naglalakad kasi ako, nagliliwaliw lang kasi galing akong MASCI, tinanong k kung aprub na yung ojt ko. eh wala yung prinicipal. pakshet siya pinababalik-balik niya ako. ayun tapos tinamad na akong maglakad, naghanap ako ng mauupuan. sabi ko, sa binguhan na lang ako umupo. sakto naman nagbebenta sila ng extra tickets, ndi yung WTA (winner take all) cards, yung regular lang. tapos naglalaro na ako. 5k dapat yung prize eh dapat within 50 balls or less lang. eh nakalagpas na ng 50 so consolation na lang. pagdating ng 54th ball, isa na lang ako. ayun shoot! kinakabahan pa nga ako kaya mahina lang yung pagkakasigaw ko ng binggo! tapos biglang nagkagulo at nagpituhan ang mga watcher. lahat nakatitig sa akin, pakshet silang mga matatanda sila, naiinis eh 500 lang naman yung nakuha ko. buti sana kung 100k yun mainggit sila. hay ayun. pagkakuha ko nung prize ko umalis na ako, baka kasi magastos ko pa sa kakabili ng ticket!

ayun. tapos ibinili ko na lang ng gamit sa katawan ang napanalunan - nagpunta ako ng pcX - shampoo na bench fix, gel na bench fix, neutrogena deep clean at nail cutter - 426 pesos lahat! nagulat din ako e. akala ko may pangkain at pamsahe pa ako.

kanina pala nanggaling na rin ako ng tanghali run sa rob. nagpunta kasi kami nina chris, mona at tina run para kumain sa popeyes. sinamahan din nila akong kumuha ng pera sa PNG-pgh. ayun. habang kumakain kami, may nasulyapan akong maingay na chikiting sa tapat ng table namin. ang cute niya. ndi ko napigilan ang aking sarili at kinuhanan siya ng pic!


stolen shot #1

stolen shot #2

stolen shot #3


tapos kahapon naman, nagpunta kami ng aking mga pinsan sa tagaytay highlands. oo nasa pinas ang aking mga pinsan. nagulat nga ako, ndi sila nagpasabi na uuwi sila. pero ndi na sila maninirahan dito. nalungkot naman ako. pumunta sila rito para pirmahan lang ang ilang papeles na kailangan nila bilang mga dual citizen. at kukunin ata nila yung refund nila sa ateneo. sa australia na sila mag-aaral. kasi bigla silang namiss ng kanilang mga magulang. at mukhang nag-enjoy na rin naman sila run. haaaay... isa pa. nalaman ko kahapon kung bakit ayaw na pala rito ni miko - na-trauma kasi siya sa kanyang past relationship. nagbreak kasi sila nung girl, eh mahal na mahal niya yun. nahuli kasi niyang may ibang date. at ang kapal ng mukha nung gurl, at siya pa ang nakipag-break. although mababaw lamang na dahilan pero isa yun sa factors.

ang kapal ng mukha nung gurl, ndi na nga siya kagandahan nakuha pa niyang mang-two time! makita ko lang siya ipapahiya ko talga siya hayup siya.

haaay... eniwey ayun, ayaw ko nang magkwento ng malungkot at sadyang lumulungkot lang ako. ayun sinundo nga ako ng mga pinsan ko. pumunta kami ng tagaytay highlands. ang ganda. nakakabadtrip lang kasi may dala nga akong kamera, wala namang baterya! grr! sumakay kami ng funicular at cable car. medyo maulan na kaya ndi na kami nakaulit. nanood kami ng sine, pero nilabasan din namin. at nangisda kami! hahaha! ang saya namin! basta!

ito na lang muna entry ko medyo mahaba na pala.

Posted at 09:13 pm by winklenyork
Comments (2)  




Saturday, May 28, 2005
badminton

"sino kasama mo? sino naghatid sayo?"

tapos wala nang reply na sumunod. hahaha. ndi ako makapaniwala. pagseselos ba ang aking nakikita. kumakaway ba sa akin si gelli de belen (feel ko unti lang makaka-gets nito).

kakagaling ko lang sa isang mahabang kainan (super bowl of china) pagkatapos naming maglaro ng badminton. nabansagan itong coolest eco block badminton tournament. doubles. hay. talo ako. talo kami. ndi ako makapaniwala. if there's any consolation - lahat ng games namin dikit.

wala lang. nakakapgod. at pagod na rin akong magtype.

congrats nga pala kay john bert para sa isang napakasuccessful na pilot episode ng my juan and only! (siya ang isa sa mga contributing writers).

iiwanan ko na lang kayo ng isang istoryang kukurot sa inyong puso:

minsan sa loob ng isang classroom, nagkaroon ng isang mainit na diskusyon ang klase.

pupil: ma'am bumubukol po ba ang utot?

teacher: NO! ndi yun bumubukol. class tandaan nio, ang utot ay ndi bumubukol. ok?

pupil: naku patay tae na ito.

yun lang.

Posted at 11:36 pm by winklenyork
Comment (1)  




Friday, May 27, 2005
wala akong maisip na pamagat

"train yourself to let go everything you're afraid to lose."
- Star Wars Episode III

noong nakaraang lunes, nagkaroon kami ng pagkakataong magkita-kita uli ng aking highschool barkada c/o our dear seminarian - edric. usapan namin 6pm sa glorietta pero as usual, filipino time. mga 7 na kami nagkita-kita. ako, 6 pa lang nandun na. tapos bago kami magliwaliw, magsimba raw muna kami - wag niyo nang itanong kung kaninong request yan. tapos nagulat na lang ako at ako ang piniling magserve. as in. bakit ako? wala lang. feel ko lang talaga nas kailangan ko ng proper guidance kaya ako ang napili. SOS ako nung mga panahong yun - state of shock.

tapos nun kumain na kami sa north park. sarap ng pagkain. grabe naluluha kami sa sara. at sulit ang presyo. kakain ako ulit dun sabi ko sa sarili ko. ang sarap magkwentuhan. ang sarap balikan ang mga nakaraan. parating may tawanan, na akala namin corny nun pero forever na pala siyang classic. ang saya talaga.

pero siguro mas masaya nun kung kumpleto kaming barkada, wala kasi sila jojie (sinamahan ang kanyang lola sa cobalt session). pam (as usual), errol at jennie ( ndi sila pwede). pero ok na rin kahit papaano. masaya naman kami (winkle, lilian, jewel, dwight at edric).

after nun, nanood kami ng star wars episode III nila dric at dwyt. ndi na sumama yung dalawang gurlalooh kasi kailangan na nilang umuwi. kami naman, ndi pa kasi wala naman kaming gagawin hehehe. ayun medyo maganda. wala lang.

kahapon naman, nagpunta kami ng megamall, nanood kami ng la visa loca. ang ganda. ndi kami nagkamali. kumain pala muna kami sa hapchang sa mega strip. NDI MASARAP AT NDI MAGANDA SERVICE. PROMISE.

ayun na lang muna.


me, lili, jewel, dwyt and dric (ako ang kumuha ng pic)

dric and winky

winky and dwightee


spring rolls da best

stir fried beef

ang aking plato


Posted at 12:44 pm by winklenyork
Comment (1)  




Monday, May 23, 2005
lunch date

"AT KUNG HINDI NGAYON
ANG PANAHON UPANG IKAW AY MAHALIN
BUKAS NA WALANG HANGGAN
HANGGANG MATAPOS ANG KAILANPAMAN
BUKAS NA WALANG HANGGAN
DOO'Y MAGHIHINTAY PA RIN"


- Ikaw ang lahat sa akin ni Martin Nievera

noong nakaraang Sabado, nabigyan kami ng pagkakataong magkita-kita uli ng aking mga kaibigan sa coolest eco block. masaya ang pakiramdam na kasama mo ang mga taong nagpapasaya sayo. marami kaming naikwento at naibahagi sa isa't isa. sabik sa chika, sabik sa intriga. sa kitchen kami kumain sa greenbelt. masarap. tapos nagkape sila sa coffee beanery samantalang ako ay nag-ice cream sa haggen dazzs. ayun tsalap.

sa aking eco block! isang suntok na walang mintis!


eco block sa kitchen

mike, bert (pa-cute) at timi

the gurls of the block (ella, angel, giselle, timi, soph)

derbs and tuks with mike

ayun pagkatapos nagpunta ako sa blessing ng condo ni dwight. nakita ko naman ang iba kong friends. ito sila:

bagong teleserye ng IBC 13 : Habulin mo ako, babaeng lumpo!


Posted at 02:51 pm by winklenyork
Comment (1)  




Previous Page Next Page

PAKWAN



-- masarap kainin lalo na kapag mainit ang panahon. puno ng sustansya, mula prutas hanggang buto.







name : winkle
school : de la salle university
about me: ako'y isang masayahing tao. naniniwala ako na dapat lahat ay pantay-pantay at higit sa lahat, naniniwalang hindi ako perpektong tao ngunit ako ang karapat-dapat!.


pop ko to

winkle and mel sa beach


EK tym!


ngiting banyaga


wazzup! wazzup!


laiya

winkle and rc, taray!


jewel castro

rule of thirds daw!

father and moi!

yes it's kitchie!

'kada pics

beerhouse peeps.

EB PEEPS!

my pokemon creature

the eclipses

   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed