Entry: tapos na ang college... Saturday, September 03, 2005



"when it rains, it pours ika nga!"
-- lotlot de leon sa Feng Shui (sinabi nia ito kay kris bago sila pumasok sa mga kwarto na puro taong nauto na sumali sa networking ek ek)

sa wakas confirmed na na makakagraduate na ako sa college. at ito ay gaganapin sa oct 1 sa PICC. ang saya-saya. yung mahigit isang dekada ko sa academic life (elem to college) ay sa wakas tutuldukan na rin. pero ndi pa rin naman ganun tutuldukan sapagkat ako naman ang susunod sa yapak ng mga taong nagbigay sa akin ng karunungan -- magiging guro na ako. well, iyon naman talaga ang aking kurso eh at yun naman talaga ang aking nais kaya masaya ako para sa aking sarili.

sa darating na sept 5 (lunes) ay guro na ako sa st. paul makati. sibika at kultura ang aking ituturo sa mga grade 1 chikitings samantalang english naman sa grade 5. ang saya. sana. although major ko is history and economics, ok na rin yung mga ituturo kong subject. pero ndi ko pa rin bibitawan yung part time ko. ok kasi eh, dali work, laki sweldo. so papalipat na lang ako ng shift.

kahapon, kakagaling lang namin sa midyear teambuilding seminar sa sta cruz laguna. sa monreal resort. masaya. maganda. kaya lang bitin. sana sa susunod makasama pa kami. pahinga galore kami ni rc... hehehe mga senyor! senyor citizens! hahahaha. pics galore muna. pero wala nung midyear wala kaming camera ni rc eh.


teacher winkle

mga estudyante ni sir winkle

si teacher epal



   2 comments

Kavin
November 2, 2009   04:14 PM PST
 
Funny one


<a href="http://www.flashpapers.com/">Term papers</a>
joana
March 6, 2008   01:39 PM PST
 
tingin ko napakatag mo...
cge gudluck sa life...soryy kung nagtresspass ako sa blog mo...ehehe...gobless

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments