|
wala lang nakakapagod ang araw na ito, marami pa akong dapat gawin sa st paul (periodical exams at lesson plans) pero masaya ang araw na ito. sa wakas ramdam ko na ang aking pagpasok sa world out there. hehehe sa career world. ang daming bloopers talaga ngayong araw. kanina sa college graduation namin, dumating kami ni peter ng 1030, 10am nakalagay sa sked. so pa-late kuno ng 30 min. aba, 930 pala nagstart so grand entrance na nga, late pa ng isang oras. pero ok naman. pagkatapos ng rites, may kainan, literal na eat and run kami kasi dinala namin yung "facked lants" at umakyat ng opis at dun sinimulang lantakana ng fish fillet at rice.
baccalaureate mass ang sumunod na ka-flopan. kasi 7 kaming undergrad na gagrad mula sa college namin, oo college at ndi course kasi ako lang ang mag-isa mula sa course ko. (oo ang dami namin noh?) tapos syempre awardee kasi ako, most outstanding student teacher so ang nangyari ay ganito- yung tatlo sa limang may award (kasama ako run) ay wala, so dalawa lang kami, nung tinawag na kami upang ibigay ang medal, aba ang tagal kong naglalakad sa gitna nung chapel lahat ng tao nakatingin, syempre tungo ako. wala lang nakakakaba pala yun. tapos nung class pictorial, ayun tatlo lang kami. tapos nung practice na hay naku basta napagdiskitahan kami ni edwin santiago. basta ayun tinatamad na ako. ito na lang pics.
|
| toni October 2, 2005 03:01 AM PDT CONGRATS!!!!! =) | ||
| Leave a Comment: |